BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, February 4, 2009

ang buhay ay parang party

habang nasa tapat ako ng mahiwaga kong computer (oo, mahiwaga siya. kasi... wala lang, gusto ko lang!) naririnig kong tumutugtog mula sa kapitbahay namin ang Total Eclipse of my/the heart. (di kasi ako sigurado kung my o the kaya dalawa nalang para safe). naalala ko tuloy yung mga panahong nasa antipolo pa kami, bata pa ko, siguro mga anim o pitong taong gulang. lagi ko naririnig ang kantang to mula sa radyo namin dahil nagpapatugtog ang nanay ko lagi habang naglilinis siya ng bahay. nakakamis. nakakamis yung panahong bata ka palang, wala ka pang problema sa mundo, problema mo lang kapag gutom ka o pinagalitan ka ng magulang mo o di kaya kapag hindi mo naabutan ang paboritong mong cartoons o kaya batibot. nalulungkot din ako nun kapag di ko naaabutan ang teenage mutant ninja turtles, ang ultra man, mask rider black, mask man at bioman. di katulad ngayon na halos lahat na lang ata ng bagay problema ko, problema ko kung pano ako magsusulat (dahil gusto kong magsulat), pamasahe para sa pagpasok pasok sa opisina, pamasahe ng asawa ko, (oo, pati yun problema ko dahil sa akin siya humihingi kahit na yung pang yosi yosi lang niya - minsa nga gusto ko nang dagukan) pambili ng gatas ng anak ko, pambili ng diaper, at lahat na. hay.. ang buhay talaga.. parang party minsan masaya, minsan boring.


0 comments: