Nung namamasahe palang ako papuntang trabaho, jeep ang lagi kong sinasakyan, masaya ako kapag nakakatiyempo ako ng kaskaserong drayber kapag medyo huli na ako sa oras ng trabaho ko, pero may mga panahon namang mabubuwist ka dahil parang wala nang bukas pa kung magpatakbo ang mga abusadong ito. Sana isipin din nilang responsibilidad nila ang mga buhay ng mga pasaherong nakasakay sa kanila.
Hindi ko maubos maisip kung bakit sa mga may karatulang "No Loading" "No Unloading" para maghintay ng mga pasehero, at 'pag nahuli naman sila ng mga traffic enforcer sila pa ang galit. Nangyari yun ng isang beses, nahuli ang sinasakyan kong dyip, nagkomento pa ang ibang mga pasahero ng "Nako, wala na namang pang meyenda ang mga yan!" Ganun na lang ba talaga kaliit ang tingin natin sa mga humuhuling ito? Kahit na kitang-kita naman kung sino ang may kasalanan sila pa rin ang masama sa mata ng publiko, bakit pa kasi nauso pa ang KOTONG cops! Nadadamay tuloy kahit na yung mga seryosos sa trabaho nila.
Sumunod na lang kasi tayo sa batas.
Hindi naman mahirap 'di ba?
Tuesday, April 28, 2009
Batas-trapiko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Huwag mo na lang pansinin para hindi ka ma high blood. Ganyan lang talaga sa Pilipinas. Naka register ka na pala sa Filipinos Unite!!! Pakikopya na lang at paki paste ung banner ng Filipinos Unite!!! sa sidebar ko at pakilagay na lang sa sidebar mo. Thanks and God bless.
Nung college ako, fave ko mga kaskaserong driver. Kasi kung hindi ko sila maabutan, late ako malamang sa school. Ngayon, mommy na ako, super nerbiyosa na. Minsan, ayoko na magbiyahe dahil sa mga kaskaserong driver na yan!!!
mel: buti na lang kamo nasa bahay na lang ako, yun lang nakakamiss din pala ang pagcocommute! :D
mommytaf: ako rin, lalo na kapag late na late na ko sa school, pero ngayon, nako, di na, lalo na pag kasama mo anak mo :(
sir mel ayos na po, maraming salamat :)
Post a Comment