BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, October 23, 2009

HINDI KA NA MANANALO, ERAP

(saw this one from Facebook)

Ang mga magulang ko ay mula sa lalawigan. Ang aking ama ay dating OFW. Ang aking ina ay dating guro. Hindi kami kilalang pamilya. At higit sa lahat, hindi kami nabibilang sa tinatawag na middle class.

Kaya bilang isang uring masa, ito ang masasabi ko sa'yo, Dating Pangulong Estrada--hindi ka na mananalo sa 2010 sa mga sumusunod na dahilan:

1) Hindi ka na nakakatawa. Kung Erap jokes din lang, mas maraming mas nakakatawang jokes sa internet.

2) Hindi ka na nakakaaliw. Pansinin mo ang mga palabas sa TV. Puro koreanovela na. Puro teleserye na. Puro gwapo at magaganda ang artista. Laos na ang sitcom. Laos na ang action. Laos na ang style mo. Pangit ka na. Kasing-pangit ka na ng anak mong si Jinggoy.

3) Hindi ka pa rin nag-aahit. Simula noong 9-11, lahat ng may bigote ay pinaghihinalaan ng terorista. Mukha kang terorista.

4) Hindi ka pa rin marunong mag-ingles. Sa dami ng pamilyang may anak, ama, ina at kapatid na naghahanapbuhay sa call centers, ang wikang ingles ay hindi na isang kapritsuhan. Isa na itong lehitimong daan para makawala ang isang pamilya sa kahirapan. Kung hindi ka marunong mag-ingles, dadapo at dadapo sa isip ng masa na kung sa call center nga ay hindi ka matatanggap, paano pa kaya bilang pangulo ng republika?

5) Hindi ka nagfa-Facebook. Hindi ka nagtwee-Tweeter. Hindi mo naa-update ang mga tagahanga mo. Hindi ka magkakaroon ng milyung-milyung followers. Kung wala ka sa internet, you don't exist. Gets?

6) Hindi mo kamukha si Barack Obama. Kahit ang running mate mong si Binay, kakulay man ni Obama, ay malayong-malayo ang itsura. Iba na ang hinahanap na 'wangis sa mga pulitiko ngayon. Kung ganyan din lang itsura ninyong mag-running mate--isang baboy at isang matsing--salamat na lang. Kay Chiz Escudero na lang ako.

7) Hindi ka na sariwa. Sinipa ka na. Nakulong ka na. Napaglumaan ka na. Kahit naman ubod ng hirap ang isang tao, hindi mawawala ang kanyang dignidad sa sarili. Hindi siya kakain ng panis. Panis ka na.

8) Hindi ka na natuto. Masyado kang bilib sa sarili. Halatang lagi kang absent sa eskwela noong nag-aaral ka pa. You don't know your history. You don't know when to quit. Kayabangan ang nagpahamak kay Napoleon. Kayabangan ang nagpalubog kay Kublai Khan. Kayabangan ang nagpataob kay Haring Darius III. Mayabang ka. Kaya matatalo ka.

9) Hindi ka na nagbago ng istilo. Diyan nalaos si Michael Jackson. Diyan nalaos si Boy George. Diyan nalaos si Cindy Lauper. Diyan din malalaos si Lady Gaga. Sa panahon ngayon, kung hindi ka magbabago ng imahe, tapos ang fifteen minutes of fame mo. Tapos ka na. Noong 2001 pa.

10) Hindi na kami bobo. Hindi na kami tanga. Hindi na kami nagpapaloko. 'Yan ang tandaan mo.

http://www.facebook.com/note.php?note_id=187183706367&id=1259797117&ref=nf

0 comments: